Ano Ang Ibig Sabihin Ng Konyo?

Ano ang ibig sabihin ng konyo?

Answer:

Ang salita na ito ay nanggaling sa wikang Espanyol upang ilarawan ang maselang parte ng babae. Sa panahon ng mga Kastila, madalas itong ginagamit sa pagtatapos ng isang pangunugsap. Hindi nagtagal at ang salitang ito ay nakita bilang kasingkahulugan ng salitang Kastila. Sa paglipas ng panahon, ginamit din ito ng mga Pilipino na pantawag sa mga Kastila o mestizo.  Ngayon, hindi natin ginagamit ang salita bilang isang mura. Ginagamit natin ito para ilarawan ang isang tao na sosyal o nanggagaling sa "upper class" ang mga mayaman. Kadalasan, sila ay nakatira sa mga "gated villages" o di kaya ay nag-aaral sa pribadong paaralan. Mahusay din ang kanilang paggamit ng wikang Ingles. Dati, ginagamit ng mga konyo ang wikang Espanyol dahil sila ay may kakayahan para aralin ang nasabing wika. Katulad sa kasalukuyan, nakikita natin kapag konyo ang isang indibidwal base wikang mas komportable niyang gamitin. Kapag Ingles, agad naiisip na sila ay nag-aaral sa pribadong paaralan o nanggaling sa Maynila.Nagpapakita ito na mas makapangyarihan ang wika ng mga dayuhan hanggang sa kasalukuyan. Ang Filipino ay wikang pang-masa, ang mababang wika. Ang wikang Ingles/Espanyol ay ang wika ng mga mayaman, kung sino ang kayang makapag-aral.

#BRAINLYFAST


Comments

Popular posts from this blog

Ang Wika Ay Nag Iingat Ng Kasaysayan. Ipaliwanag

This Passage Would Most Probably Interest A/An __________.A. Adolescent B. Adult C. Child D. Old Man